Mga Pangkaraniwang Bulaklak sa Parang
Mga pangkaraniwang bulaklak sa parang.
photo by ray anthony
Matt. 6:25 "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
photo by ray anthony
photo by ray anthony
Ang mga pangkaraniwang bulaklak na ito sa
parang ang siyang piniling ginamit na halimbawa ng ating Panginoong Jesus upang
ipakita ang ating kahalagahan sa Diyos. Ayon sa kanya, hindi nga
pinapahalagahan ng tao ang mga ito; ang totoo niyan ay pinanggagatong pa nga ito
sa kalan. Bagama't ang mga ito ay hindi mahalaga sa atin, hindi pinapansin at
di pinaglalaanan ng panahon, sa Diyos ay hindi. Kanya itong pinapansin,
inaalagaan, at pinaglalaanan ng panahon. Ayon sa ating Panginoon, ang mga
pangkaraniwang bulaklak sa parang ay dinaramtan ng Diyos. Ang Diyos ang
nagkakaloob sa kanila ng kariktan kaya hindi lumilipas ang kanilang munting
panahon dito sa mundo na hindi sila nakakaranas ng kagandahan at pagpala ng
Maykapal. Bagama't ang mga halamang ito ay itinuturing na pangkaraniwan, sa
Diyos sila ay mahalaga at Kanyang minarapat na paglaanan ng Kanyang panahon at
pagpapala. Ayon sa ating Panginoon, higit tayong mahalaga kaysa sa mga munting
halamang ito.
photo by ray anthony
Maging si haring Solomon daw ay hindi
nakapagdamit ng singganda ng mga bulaklak na ito. Iisipin marahil ng iba na
hindi nagagandahan sa mga bulaklak na ito, na pangit ang mga damit ni haring
Solomon noong araw. Hindi totoo iyon sa isang haring lubhang pinagpala at
namuhay noon sa sobrang karangyaan. Ayon sa aking Tagalog Topical Study Bible,
ganito ang pagkasalin sa Mateo 6:29:
"Ngunit ito ang sasabihin ko sa
inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga
bulaklak na ito, bagama't napakariringal ng mga damit niya." (Matt. 6:29
TPV).
Napakariringal ng mga damit ni haring
Solomon! (Sa salitang English, ang maringal ay katapat ng salitang magnificent.) Siyempre naman,
para sa isang makapangyarihang hari na tulad niya, dapat lang na damtan siya ng
mariringal na kasuutan. Ang mga gumagawa ng damit niya ay piling-pili--mga
bihasang mananahi; at ang desenyo ay pinag-isipang mabuti at nilikha ng mga
taong may mataas na kaalaman sa sining. At siyempre, kahit anong galing ng tao
sa sining, hindi siya kailanman papantay sa galing ng Diyos na Siyang pinagmumulan
ng kaloob sa sining. Kaya, kung papansinin natin ang mga itinuturing nating
pangkaraniwang bulaklak ba Kanyang nilkha, ang mga ito ay kamangha-mangha sa
kagandahan, lalo pa kung ito ay pagmamasdan at tututukang mabuti. Habang ito ay
tinitignan sa malapitan, lalong nakikita natin ang kagandahang taglay nito.
Kung sila'y titignan sa ilalim ng microscope, makikita natin ang mga nakatago
pang kagandahan nito. Kung ang mga bulaklak na ito ay kukunan ng larawan sa
malapitan, gamit ang high definition camera, (pangarap kong magkaroon ako ng
ganito), lumalabas ang taglay nilang ganda na ibinigay sa kanila ng Maylikha.
Hindi pangkaraniwang kagandahan para sa pangkaraniwang halaman; kamangha-mangha
talaga ang ating Diyos!
Some pictures of flowers under the electron microscope:
photos from: http://www.dailymail.co.uk/sciencetech/article-2326995/The-invisible-beauty-flowers-Images-petals-leaves-pollen-captured-electron-microscope.html
Isipin daw natin kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang.
Kung inaakala natin na hindi pansin ng Diyos ang ating pangangailangan, malaki
itong pagkakamali--pagkakamaling nagdudulot sa atin para mag-aburido. Ang mga
halamang ito ay hindi nagta-trabaho; hindi sila ang gumagawa ng mga damit nila--ang
Diyos ang Siyang gumagawa nito para sa kanila. Hindi sila kailangang
mag-aburido sapagkat ang Diyos ang Siyang nag-iisip kung paano sila daramtan.
Ganoon din dapat sa atin; hindi natin dapat pinag-aalalahanan ang ating mga
pangangailangan sa buhay. Ang Diyos ang Siyang bahalang magkaloob niyan para sa
atin. Imbes na pag-aaburido, ang dapat daw na pagtuunan natin ng pansin higit sa lahat ay ang pagsikapan natin
na tayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at
ibibigay niya sa atin ang lahat ng ating pangangailangan.
"Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y
pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay
niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan." (Matt. 6:33)
No comments:
Post a Comment