Wednesday, March 5, 2014

Ang Kapangyarihan ng Pagpapala at Sumpa


My SMART Journal
Bible Reading: Numbers 20-25

S-ignificance: Ang Kapangyarihan Ng Pagpapala At Sumpa

M-essage: “ Napakarami nila. Magpunta ka agad dini at sumpain mo sila. Natitiyak kong malulupig ko sila pagkatapos mong sumpain pagkat  alam kong sinusuwerte ang pagpapalain mo at minamalas naman ang sinumang sumpain mo,.” (Numbers 22:6)

                Ito ang mga kataga ni Haring Balac. Napansin ko na malalim ang kanyang paniniwala sa kapangyarihan ng pagpapala at ng pagsumpa.  Alam niyang hindi niya matatalo ang Israel malibang ito ay masumpa muna. Batid talaga niya ang kapangyarihan ng sumpa; mabuti na lang at alam din ng Diyos ang mabagsik na kapangyarihan nito, kaya hindi Niya pinayagan si Balaam na sumpain niya ang bayan ng Diyos, sa halip ay ang kabaliktaran ang pinalabas Niya sa mga bibig nito.

A-pplication: Kung ang mga taong wala sa Diyos tulad ni Haring Balak ay alam niya ang kapangyarihan ng mga salitang may sumpa at mga salitang nagpapala, di lalong dapat alam na alam natin ito, Hindi tayo dapat nagbibitiw ng sumpa sa mga tao bagkus pagpalain natin sila gaya ng iniutos sa atin ng ating Panginoong Hesus (Matt5:44), Tayo’y pinagpala na ng Diyos at hindi Niya pahihintulutan na may susumpa sa atin.  “And God said unto Balaam, Thou shalt not go with them; thou shalt not curse the people: for they are blessed.” (Num.22:12). 

Ganito din ang pangako ng Diyos kay Abraham:
To them who are good to you will I give blessing, and on him who does you wrong will I put my curse:
I will bless those who bless you, But I will curse those who curse you



R-esponse: Salamat po Panginoon sa pagpapala mo sa mga taong nagpapala sa amin. Nawa’y maging dahilan ang buhay ko para sa pagpapala ng marami.  In Jesus’ name, Amen!

T-ext: Numbers 22:6,12

No comments:

Post a Comment