Ray's Blog
Saturday, April 5, 2014
Thursday, March 27, 2014
Mga Pangkaraniwang Bulaklak sa Parang
Mga Pangkaraniwang Bulaklak sa Parang
Mga pangkaraniwang bulaklak sa parang.
photo by ray anthony
Matt. 6:25 "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
photo by ray anthony
photo by ray anthony
Ang mga pangkaraniwang bulaklak na ito sa
parang ang siyang piniling ginamit na halimbawa ng ating Panginoong Jesus upang
ipakita ang ating kahalagahan sa Diyos. Ayon sa kanya, hindi nga
pinapahalagahan ng tao ang mga ito; ang totoo niyan ay pinanggagatong pa nga ito
sa kalan. Bagama't ang mga ito ay hindi mahalaga sa atin, hindi pinapansin at
di pinaglalaanan ng panahon, sa Diyos ay hindi. Kanya itong pinapansin,
inaalagaan, at pinaglalaanan ng panahon. Ayon sa ating Panginoon, ang mga
pangkaraniwang bulaklak sa parang ay dinaramtan ng Diyos. Ang Diyos ang
nagkakaloob sa kanila ng kariktan kaya hindi lumilipas ang kanilang munting
panahon dito sa mundo na hindi sila nakakaranas ng kagandahan at pagpala ng
Maykapal. Bagama't ang mga halamang ito ay itinuturing na pangkaraniwan, sa
Diyos sila ay mahalaga at Kanyang minarapat na paglaanan ng Kanyang panahon at
pagpapala. Ayon sa ating Panginoon, higit tayong mahalaga kaysa sa mga munting
halamang ito.
photo by ray anthony
Maging si haring Solomon daw ay hindi
nakapagdamit ng singganda ng mga bulaklak na ito. Iisipin marahil ng iba na
hindi nagagandahan sa mga bulaklak na ito, na pangit ang mga damit ni haring
Solomon noong araw. Hindi totoo iyon sa isang haring lubhang pinagpala at
namuhay noon sa sobrang karangyaan. Ayon sa aking Tagalog Topical Study Bible,
ganito ang pagkasalin sa Mateo 6:29:
"Ngunit ito ang sasabihin ko sa
inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga
bulaklak na ito, bagama't napakariringal ng mga damit niya." (Matt. 6:29
TPV).
Napakariringal ng mga damit ni haring
Solomon! (Sa salitang English, ang maringal ay katapat ng salitang magnificent.) Siyempre naman,
para sa isang makapangyarihang hari na tulad niya, dapat lang na damtan siya ng
mariringal na kasuutan. Ang mga gumagawa ng damit niya ay piling-pili--mga
bihasang mananahi; at ang desenyo ay pinag-isipang mabuti at nilikha ng mga
taong may mataas na kaalaman sa sining. At siyempre, kahit anong galing ng tao
sa sining, hindi siya kailanman papantay sa galing ng Diyos na Siyang pinagmumulan
ng kaloob sa sining. Kaya, kung papansinin natin ang mga itinuturing nating
pangkaraniwang bulaklak ba Kanyang nilkha, ang mga ito ay kamangha-mangha sa
kagandahan, lalo pa kung ito ay pagmamasdan at tututukang mabuti. Habang ito ay
tinitignan sa malapitan, lalong nakikita natin ang kagandahang taglay nito.
Kung sila'y titignan sa ilalim ng microscope, makikita natin ang mga nakatago
pang kagandahan nito. Kung ang mga bulaklak na ito ay kukunan ng larawan sa
malapitan, gamit ang high definition camera, (pangarap kong magkaroon ako ng
ganito), lumalabas ang taglay nilang ganda na ibinigay sa kanila ng Maylikha.
Hindi pangkaraniwang kagandahan para sa pangkaraniwang halaman; kamangha-mangha
talaga ang ating Diyos!
Some pictures of flowers under the electron microscope:
photos from: http://www.dailymail.co.uk/sciencetech/article-2326995/The-invisible-beauty-flowers-Images-petals-leaves-pollen-captured-electron-microscope.html
Isipin daw natin kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang.
Kung inaakala natin na hindi pansin ng Diyos ang ating pangangailangan, malaki
itong pagkakamali--pagkakamaling nagdudulot sa atin para mag-aburido. Ang mga
halamang ito ay hindi nagta-trabaho; hindi sila ang gumagawa ng mga damit nila--ang
Diyos ang Siyang gumagawa nito para sa kanila. Hindi sila kailangang
mag-aburido sapagkat ang Diyos ang Siyang nag-iisip kung paano sila daramtan.
Ganoon din dapat sa atin; hindi natin dapat pinag-aalalahanan ang ating mga
pangangailangan sa buhay. Ang Diyos ang Siyang bahalang magkaloob niyan para sa
atin. Imbes na pag-aaburido, ang dapat daw na pagtuunan natin ng pansin higit sa lahat ay ang pagsikapan natin
na tayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at
ibibigay niya sa atin ang lahat ng ating pangangailangan.
"Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y
pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay
niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan." (Matt. 6:33)
Thursday, March 6, 2014
Huwag Bigyan Pagkakataon Ang Tukso
My SMART Journal
Bible Reading:
Numbers 20-25
S-ignificance: Huwag Bigyan ng Pagkakataon ang Tukso
M-essage: Ang matatanda ng
Moab at ng Madian ay nagpunta kay Balaam, dala ang pag-upa rito. Sinabi nila
ang ipinasasabi ni Balac tungkol sa masama niyang balak. Ganito ang tugon ni
Balaam, “Dito na kayo matulog ngayong
gabi para masabi ko agad sa inyo ang anumang sasabihin sa akin ni Yahweh.” Doon
nga sila natulog (Num.22:7-8).
Sa
unang tingin, masasabi nating napaka-espirituwal ni Balaam dahil lahat ng
isasagot niya ay isasangguni muna niya kay Yahweh. Subalit may panganib ang
kanyang ginawa sapagkat nagkakaroon ng mas maraming panahon ang tukso na
mag-ugat sa kanyang puso. Pinuntahan kasi siya ng mga sugo ni Haring Balac para
pakiusapan sanang sumpain ang Israel. Marahil ay nakita ni Balaam ang mga
dala-dala nila na pang-upa sa kanya para sa gawaing ito (22:7). Kaya imbes na
tumanggi agad-agad ay pinatuloy pa sila at doon pa pinatulog. Sumangguni nga
siya kay Yahweh, (baka sakali nga namang pumayag) pero mabuti na lang at di
siya pinayagan. Ipinaalam ng Diyos sa kanya ang Kanyang kalooban—na “hindi siya dapat sumama samga taong iyon,
na hindi niya dapat sumpain ang mga taong tinutukoy nila pagkat pinagpala na
sila ng Diyos.” (22:12). Ang tanong ko’y, “Hindi pa ba alam ito ni Balaam?
Kailangan pa bang itanong ito sa Diyos? Di ba dapat malinaw na ito sa kanya?
Malinaw siguro dati, pero lumabo noong nakita ang dala-dala ng mga sugo ni
Balak na pang-upa.Ngayon, dahil sa pinatuloy pa niya sila sa kanyang tahanan at
doon pa pinatulog, lalong lumakas ang kinang ng tukso ng kayamanan sa kanyang
puso dahil mas lalo niya itong napagmasdan.
A-pplication: Napakahalaga
talaga na alam natin ang kalooban ng Diyos para matanggihan natin agad at
palayasin sa ating buhay ang mga dumarating na alam nating hindi Niya kalooban.
Napakahalaga din na hindi natin dapat ini- entertain
ang mga bagay na nakakatukso. Ito ay mapanganib sa atin at di natin dapat
pinaglalaruan sa ating mga buhay. Kayat
iwaksi natin agad ang mga ito at huwag nang magkunwaring mananalangin at
tatanung-tanungin pa ang Diyos kung ito’y Kanyang kalooban. Ang delikado dito
ay kagaya ng nangyari kay Balaam. Palagay ko, mula noong makita niya ang
kayamanan na pang-upa ay hindi na ito mawaglit sa kanyang isipan. Ang sabi ng
salita ng Diyos: “Neither give place to
the devil.” (Eph.4:27).
R-esponse: Ngayon,
nangungusap ang Salita ng Diyos sa akin na hindi ko dapat pinapatuloy ang tukso
na bumibisita sa akin. Dapat sa kanya’y palayasin agad at ipagtabuyan bago pa
niya buksan ang kanyang iniaalay na pangtukso sa akin. Tulungan Niyo po sana ako,
Lord, Amen.
T-ext: Num. 22:7,8;
Eph.4:27
Wednesday, March 5, 2014
Ang Kapangyarihan ng Pagpapala at Sumpa
My SMART Journal
Bible Reading: Numbers 20-25
S-ignificance: Ang Kapangyarihan Ng Pagpapala At Sumpa
M-essage: “ Napakarami
nila. Magpunta ka agad dini at sumpain mo sila. Natitiyak kong malulupig ko
sila pagkatapos mong sumpain pagkat alam
kong sinusuwerte ang pagpapalain mo at minamalas naman ang sinumang sumpain
mo,.” (Numbers 22:6)
Ito ang
mga kataga ni Haring Balac. Napansin ko na malalim ang kanyang paniniwala sa
kapangyarihan ng pagpapala at ng pagsumpa.
Alam niyang hindi niya matatalo ang Israel malibang ito ay masumpa muna.
Batid talaga niya ang kapangyarihan ng sumpa; mabuti na lang at alam din ng
Diyos ang mabagsik na kapangyarihan nito, kaya hindi Niya pinayagan si Balaam
na sumpain niya ang bayan ng Diyos, sa halip ay ang kabaliktaran ang pinalabas
Niya sa mga bibig nito.
A-pplication: Kung ang mga taong wala sa Diyos tulad ni
Haring Balak ay alam niya ang kapangyarihan ng mga salitang may sumpa at mga
salitang nagpapala, di lalong dapat alam na alam natin ito, Hindi tayo dapat
nagbibitiw ng sumpa sa mga tao bagkus pagpalain natin sila gaya ng iniutos sa
atin ng ating Panginoong Hesus (Matt5:44), Tayo’y pinagpala na ng Diyos at
hindi Niya pahihintulutan na may susumpa sa atin. “And God said unto Balaam,
Thou shalt not go with them; thou shalt not curse the people: for they are
blessed.” (Num.22:12).
Ganito din ang pangako ng Diyos kay Abraham:
To them who are good to you will I give blessing,
and on him who does you wrong will I put my curse:
I will bless those who bless you, But I will curse
those who curse you
R-esponse: Salamat po Panginoon sa pagpapala mo sa mga taong
nagpapala sa amin. Nawa’y maging dahilan ang buhay ko para sa pagpapala ng
marami. In Jesus’ name, Amen!
T-ext: Numbers 22:6,12
Ang Pagpasok Ng Sumpa Sa Kampo
My SMART Journal
Bible Reading: Numbers 25
S-ignnificance: Ang Pagpasok ng Sumpa Sa Kampo ng Israel
M-essage: Sa mga nagdaang kabanata (Num.22-24), hindi
masira-sira ni Haring Balac, hari ng mga Moabita, ang bayang Israel. Kahit pa sinubukan
niyang suhulan ang isang propeta
(Balaam) para sumpain ito nang sa ganon ay matalo niya ito sa isang labanan.
Walang nangyari, kahit anong gawin nila, hindi nila mapatumba ang Israel sapagkat
ang Diyos ang sumasakanila. Hindi makapasok ang sumpa sa kanila sapagkat nasa
kanila ang pagpapala ng Diyos.
Ngunit
sa kabanatang sumusunod (chapter 25), ay mukhang pinasok na sila ng sumpa. At ang nagdulot ng
sumpa ay hindi galing sa labas, kundi galing sa loob—mula din sa kanila. Sila
ay nagsimulang gumawa ng kasalanan; dahil dito, nagalit nang husto ang Diyos sa
kanila. Nagkaroon ng salot sa kampo ng Israel; ang galit ng Diyos sa kanila ay
nag-umapoy!
Ano ba
ang dahilan ng pagpasok ng sumpa sa kanila?
Sa aking nakita, ang kanilang pagsamba, bagay na tanging sa Diyos lamang
nila dapat ibinibigay, ay ibinigay nila sa iba—kay Baal na nasa Peor. Paano
sila naakit sa ganoong pagsamba? Naakit muna sila sa mga babaeng hindi
mananampalataya sa Diyos, at ang mga babaeng ito ang nanghikayat sa kanila para
gawin iyon.
“Samantalang sila’y nakahimpil sa Sitim, sila’y sumiping sa mga babaeng
Moabita. Inanyayahan sila ng mga ito sa paghahandog nila sa mga diyus-diyusan …kaya
nakisamba na rin sila kay Baal-Peor kaya nagalit sa kanila si Yahweh.” (Num.
25:1-3).
Dahil pumasok
ang sumpa sa kampo ng Israel, kasabay nito ang pagpasok ng salot. Ang namatay
sa salot na ito ay umabot sa 24,000 katao (Num.25:9). Ibang-iba ito sa kuwento
ng nagdaang kabanata na kung saan ay “untouchable” ang mga Israelita. Ngayon,
dahil sa kasalanan ay libu-libong katao ang napahamak at namatay.
Mukhang
hindi tumitigil si Satanas para lipulin ang Israel. Alam niyang para malipol
sila, kailangang ipasok muna niya ang kasalanan sa kampo, at ang kasalanan ay
magdadala ng sumpa, na siya namang magdadala ng salot sa kanilang buhay. Ano
ang kanyang naisipang gawin tungkol dito? Una, gumamit siya ng mga instrumento,
at sa pagkakataong ito ay ang mga babaeng Moabita (v.1). Nahulog sa tukso sa
kanila ang mga kalalakihang Israelita at nang kumagat na sila sa pain, sila
naman ay dinala ng mga ito sa pagsamba sa diyus-diyusan, bagay na
kinasusuklaman ng Diyos. At paano naman naisakatuparan ang planong ito? Ginamit
pa rin niya si Balaam para ipayo ang estratehiyang ito sa mga Moabita para
mahulog sa kasalanan ang Israel at sila ay masumpa at nang sa ganon ay mas
madali silang malipol. Alam nating nahulog din sa tukso ng salapi ang propetang ito dahil hindi niya naitago
ang kanyang ginawang kasalanan sa liwanag ng Salita ng Diyos.
“Behold, these caused
the children of Israel THROUGH THE COUNSEL OF BALAAM to commit trespass against
the Lord in the matter of Peor and there was a plague among the congregation of
the Lord.” (Num.31:16).
“Naligaw sila ng landas. Tinularan nila si Balaam na anak ni
Bosor—nagpapaupa siya sa paggawa ng kabuktutan.” (2 Pet. 2:15)
Mukhang tumanggap din
si Propeta Balaam ng upa mula sa mga kalaban ng Diyos, ayon sa talatang ito.
Bumigay din siya sa tukso dahil sa hindi niya ito tahasang tinanggihan, kundi
nagtanong-tanong pa kunwari sa Diyos kung ano ang kanyang kalooban.
“Nakakakilabot ang
sasapitin nila, sapagkat sumunod sila sa halimbawa ni Cain. Tulad ni Balaam,
sinugba nila ang kamalian dahil lamang sa salapi….” (Jude 11). Dito’y
mukhang bumigay nga si Balaam sa pag-ibig sa salapi. Tinanggap din niya ang upa
noong parang hindi na tayo nakatingin sa
kanya.
“Ngunit may hinanakit
ako sa inyo dahil sa ilang bagay: may
ilan sa inyo ang sumusunod sa aral ni BALAAM NA NAGTURO KAY BALAC NA MAGBUNSOD
SA MGA ISRAELITA NA MAGKASALA. Dahil dito, kumain sila ng pagkaing inihandog sa
mga diyus-diyusan, at gumawa ng mga kahalayan.” (Rev. 2:14).
Dito ay malinaw, mula mismo sa mga bibig ng ating Panginoong
Hesu-Kristo na si Balaam ang nagpayo kay Balac ng kanyang gagawin para masumpa
ang Israel. Kaya malinaw na sa atin na si Balaam ay natukso din sa salaping
dala-dala ng mga sugo na pumunta sa kanyang
bahay. Mula Numbers 22 hanggang
24, makikitang hindi naman bumigay si Balaam sa tuksong dala ni Haring Balac.
Maganda pa nga ang ipinakita ni Balaam sa kanatang 24, talatang 17 kung saan ay
inihula niya si Hesu-Kristo na anak ni David na maghahari balang araw. Ngunit
ngayon, bakit tila nag-iba kaagad ang takbo ng kuwento. Maaring sa kapupursigi
ni Balac ay bumigay din si Balaam. Isa pa’y hindi porke nagagamit ka ng Diyos ngayon
ay di ka na maaaring mahuhulog sa tukso bukas.
A-pplication: Kagaya din ni Haring Balac, si Satanas ay hindi
tumitigil sa paghikayat sa atin na bumigay sa kanyang tukso. Hindi tayo
makakasigurado na porke’t nagagamit tayo ng Diyos ay hindi na tayo mahuhulog
dito. Pakatandaan natin na alam ito ni Satanas, na para tayo kanyang masira,
kailangang matukso niya tayong gawin ang kasalanan. Ang kasalanan ang siyang
magdadala ng sumpa at siyang sisira sa buhay natin. Kagaya ni Balac, hindi siya
tumitigil hanggat di niya nakukuha ang gusto niya. Nawa’y magsilbing aral ito
sa atin.
R-esponse: Panginoon, ipinapasakop ko po sa Inyo sa araw na
ito ang aking buhay. Sa tulong Niyo at kapangyarihan ay nilalabanan ko ang
diyablo at ang kanyang pagtukso. Tinatanggihan ko ang anumang bagay na iniaalay
niya sa akin. Bigyan Niyo po ako ng kagutuman sa mga bagay na nauukol sa Inyo
upang mawala ang mga pagnanasang nauukol sa kanya. Ito po ang aking samo at
dalangin sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen!
T-ext: Numbers 25:1-3; Num. 31:16; 2 Pet. 2:15; Jude 11; Rev.
2:14
Ano na
ang nangyari kay Propeta Balaam? Paano siya namatay? Sa kanyang orakulo sa
Numbers 23, binigkas niya ang kanyang ninanais na uri ng kamatayan:
“Ang nais kong
kamatayan ay tulad ng sa taong banal…” (Numbers 23:10)
Ngunit ang kahilingang ito ni Balaam ay hindi nangyari dahil
siya ay namatay sa paghatol ng Diyos sa pamamagitan ng tabak ng Israel:
“Napatay nila ang
limang hari ng Madian na sina Evi, Requem, Zur, Hur, at Reba, pati si Balaam na
anak ni Beor.” Num. 31:8
Mga Tanong Na NAgbibigay Linaw
My SMART Journal
Bible Reading:
Numbers 20-25
S-ignificance: Mga
Tanong Na Nagbibigay-Linaw
M-essage: “ Itinanong ni
Yahweh kay Balaam, “Sino yang mga taong iyan?” (Num.22:9)
Kapag
ang Diyos ay nagtanong sa tao, hindi ibig sabihin na hindi Niya alam ang sagot.
Ang katotohanan ay alam Niya ang lahat ng bagay t walang nalilingid sa Kanya.
Kaya, kung Siya’y nagtanong, hindi ito ibig sabihin na ignorante Siya at
kailangan pang turuan ng tao. Ang Diyos ay “omniscient or all-knowing”, ibig
sabihin ay alam Niya ang lahat ng bagay. Eh, bakit nga Siya nagtatanong; alam na pala Niya ang lahat ng sagot?
Una, sa
palagay ko, kapag ang Diyos ay nagtanong sa tao, ito ay upang ibukas ang
kanyang mga mata sa katotohanan dahil sa siya ay mapipilitang mag-isip ng
malalim. Pangalawa ay upang gisingin ang kanyang konsensiya, para Makita niya
ang kanyang kasalanan. Ganito kasi ang ginawa ng Diyos sa ilang pagkakataon at
titignan natin ang ilan dito:
ANG TANONG NG DIYOS
KAY ADAN
1.
“Saan ka naroon?” (Gen.3:9)
Alam ng Diyos kung nasaan si Adan; siya’y
nagtatago sa kakahuyan dahil sa kahihiyan. Ngunit kung tayo’y mag-iisip na
mabuti, halimbawang tayo ay nasa kalagayan ni Adan, ganito siguro ang nasa
ating isipan: “Oo nga ano? Saan na ako naroroon? Anon a ngayon ang kalagayan
ko? Nasaan na ang sinasabi ng ahas na magiging diyos ako kapag kumain ako ng
ipinagbabawal na bunga? Hindi naman pala sa kalagayan ng isang Diyos napuntahan
ko; sa halip, heto’t nawala na ako sa
aking dating magandang kalagayan! Wala din ako sa sinasabi ng Diyablo na
kalagayan ko; nasaan na ako ngayon? Ako’y nasadlak sa putik ng kasalanan!
Panginoon, narito po ako sa kahabag-habag na kalagayan!!!
2.
“Sinong
may-sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. Bakit kumain ka ba ng bungang
ipinagbabawal ko?”
"Sino nga ba ang nagsabi sa akin na
hubad ako? Wala ka namang sinasabi; basta nasasabi ko na lang ang mga
negatibong bagay patungkol sa aking sarili mula nang magkasala ako sa Iyo!”
Alam ng Diyos na kumain sila ng
bungang ipinagbawal Niya, subalit mas gusto ng Diyos na si Adan at Eba mismo
ang magsabi nito sa Kanya. Ang tawag sa ganitong pagsasabi ng kasalanan ay
“confession.” “Panginoon, kinain ko po yung ipinagbabawal Niyo sa
akin…” Kung ang Diyos kasi mismo ang siyang babanggit nito sa kanila, ang
dating na nito ay isang paghatol o judgment—“Kinain niyo ang bungang
ipinagbabawal ko sa inyo!” Mas malayong maganda talaga kung sa ating bibig
nagmumula ang pagsambit ng ating mga kasalanan at ang Diyos ang nakikinig,
kaysa sa Diyos ang nagbabanggit isa-isa sa ating mga kasalanan at tayo naman
ang nakikinig. Mas maganda ang confession kaysa judgment!
ANG TANONG NG DIYOS KAY EBA
“Bakit mo ginawa iyon?” Sa KJV
English ay “What is this that thou hast done?” “Ano itong ginawa mo?”
Ano itong ginawa ko? Sinuway ko
ang utos ng Diyos na nagmamahal sa akin. Mas pinakinggan ko ang tinig ng
Kanyang kalaban sa haliptinig Niya. Mas pinaniwalaan ko ang salita ng Diyablo
kaysa sa Salita ng Diyos. Ano itong ginawa ko? Nagkasala na nga ako, nandamay
pa ako ng iba!Ano itong ginawa ko? Tinulungan ko pa si Satanas na iabagsak din
pati si Adan! Sapat na sanang ako lang ang magkasala, subalit ano ang ginawa
ko? Idinamay ko pa si Adan. Ano itong
ginawa ko?
ANG
TANONG NG DIYOS KAY CAIN
“Tinanong
ni Yahweh si Cain, “Nasaan si Abel?” (Gen.4:9)
Alam ng Diyos kung nasaan si Abel.
Siya’y nakahandusay sa kabukiran at wala nang buhay. Siya’y pinatay ng kanyang
kapatid na si Cain. Alam ng Diyos kung ano ang nangyari at kung nasaan si Abel.
Bakit pa Niya tinatanong?
Balang
araw, ito rin ang itatanong sa atin ng Diyos kung may mahal ayo sa buhay na
napahamak o hindi natin nakasama sa langit, sa kahariang walang-hanggan.
“Nasaan ang iyong kapatid?”, “Nasaan ang iyong ina, ama, anak?” Kaya itinanong
ng Diyos ito ay para malaman nating mga Kristiyano ngayon na ang Diyos pala ay
hinahanap sa atin an gating mga mahal sa buhay. Dahil dito, gagawa na tayo ng
paraan; ibabahagi na natin ang kaligtasan sa ating mga mahal sa buhay nang
maiwasan nating tinatanong tayo kung nasaan sila.
Nasaan
ang iyong kapatid, anak, ama, ina, etc.? Di ba’t malapit ka lang sa piling nila?
Ano ang ginawa mo sa ilaw (Mk.4:21) na taglay mo?Bakit hindi sila nakakilalal
sa Akin? Itinago mob a ang ilaw na ‘yon? Ikinahiya mob a ako sa kanila? Nasaan
ang iyong kapatid, ama at ina? Bakit nag-iisa ka lang? Binigyan kita ng
mahabang panahon para ibahagi ang kaligtasan sa kanila, anong ginawa mo sa
mahabang pagkakataon na iyon? Nasaan ang iyong mga mahal sa buhay? Baki ‘di
kayo kumpleto sa pagharap sa akin? Gusto ko rin silang makapiling sana. Sana hindi ganito ang mga tanong sa atin
balang araw.
Ang
sagot ni Cain sa Diyos ay pabalbal—“Bakit, ako ba ang tagapag-ingat ng aking
kapatid?” Hindi niya alam, siya dapat talaga ang mag-iingat sa kanyang kapatid.
Sino pa ba ang mag-iingat sa ating mga
mahal sa buhay kundi tayo rin? Pero, heto, kabaliktaran ang ginawa ni Cain. Hindi
niya ginawa ang kanyang responsilbilidad na ito. “Am I my brother’s keeper?”,
tanong pa niya sa Diyos. Yes, you are
your brother’s keeper! Tayo talaga ang
tagapag-alaga at tagapag-ingat sa
ating mga mahal sa buhay. Pag sila’y nawala, hahanapin sila ng Diyos sa atin.
Marami
pang beses na ang Diyos ay nagtatanong sa mga tao. Kung titignan natin ang
ebanghelyo, mapapansin din natin ang Panginoong Hesus ay laging nagtatanong.
Ang mga tanong na ito’y itututlak tayo para mag-isip pa ng mas malalim para
matagpuan natin ang katotohanan. Magandang pag-aralan ito sa ating personal
Bible study at makikita natin ang ilang pagkakataon na ang Panginoong Hesus ay
sinasagot ang ilang mga tanong ng mga tao sa pamamagitan ng isang tanong din!
Nakakatawa, pero totoo. Samantala,
balikan natin ang tanong ng Diyos kay Balaam: “Sino yang mga taong iyan?”
Alangan
namang may mga taong di kilala ng Diyos?
Kilala niya ang lahat ng tao, pati bilang ng kanilang mga buhok ay alam Niya!
(Matt. 10:30). Maging ang iniisip ng sinumang tao ay alam Niya. Ano ang ibig
sabihin ng tanong Niyang ito kung ganon?
“Sino
ang mga taong iyan, Balaam?” Di mob a alm na ang mga taong iyan ay laban sa
Akin? Di mob a alam na plano nilang lipulin ang Aking baying Israel, na
Aking minamahal? Ang mga taong iyan ay
masamang impluwensya sa buhay mo; aakitin ka nilang gumawa ng mga bagay na
laban sa Akin! Sila ang mga magiging dahilan ng iyong ikababagsak. Pag-isipan
mong mabuti kung dapat bang tanggapin mo sila at patuluyin sa iyong bahay.
Tignan mong mabuti kung sino ang mga taong iyan!
Hindi
kasi kinikilatis na mabuti ni Balaam ang mga taong iyon. (Baka yung dala nilang pang-upa ang nakilatis
niyang mabuti). Hindi niya kasi tinatanong
ang kanyang sarili kaya tuloy, ang Diyos ang nagtanong nito sa kanya!
A-PPLICATION: Kung ganon, di tayo dapat tumanggap ng
sinumang tao, o anumang bagay, o anumang katuruan, o anumang bagay na
nakakatukso na tayo’y magkasala; di natin dapat pinapapasok sa ating bahay at
buhay. Kilatising mabuti ang mga ito. Kung ito’y hindi sa Diyos, huwag
tatanggapin. Huwag nating gayahin si Balaam na pinatuloy pa ito sa kanyang
bahay. Ano ba ang sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat nating gawin? Si Apostol
Juan ay sumulat sa atin sa kalooban ng Diyos patungkol dito kung maling aral
ang pinag-uusapan: “Sinumang dumating sa inyo na ibang turo ang dala ay huwag ninyong
tanggapin sa inyong bahay, ni huwag ninyong batiin, Sapagkat ang bumabati sa
kanya ay nagiging kaisa niya sa masasamang gawain”(2 John 10,11). At patungkol naman sa kasalanan at sa diyablo,
ito ang sabi ni Apostol Pablo: “Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang
diyablo” (Eph.4:27). At mula naman kay Santiago ay: “… pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang
diyablo at lalayuan niya kayo” (James4:7).
R-esponse: Panginoon,
tulungan Niyo po ako sa panahon na may kumakatok na tukso o mga maling bagay sa
aking buhay. Tulungan Niyo po ako sa aking pagpapasakop sa Inyo nang sa ganon
ay malabanan ko ang diyablo at ito ay lalayo sa aking buhay. Hinihiling kop o
ito sa Inyong pangalan, Panginoong Hesus, Amen!
Text: Num. 22:9; 2 Jn.
10,11; Eph. 4:27;Jas. 4:7
Subscribe to:
Posts (Atom)